
Beneficiaries of OVP Thanksgiving in Cebu applauded during the program.
Thousands of Filipinos received gift packs from the Office of the Vice President (OVP) in its 89th anniversary celebration, November last year.
Led by OVP Cebu, Bohol and Siquijor Satellite Office, 2,000 residents from the towns of Barili, Tuburan, and Toledo received gift packs containing 10 kilos of rice and canned goods wherein among the recipients were senior citizens and farmers.
“Dako kaayo ning tabang sa amoa bantog nagpasalamat gyud ko sa Vice President. ‘Di na mi manginahanglan na mag-grocery sa isa ka semana kay daghan og sulod.” (This is a great blessing to us, and I am truly thankful to the Vice President. We won’t need to go grocery shopping since it’s enough for a week’s worth of meals,) Sabiniano Lanojan, a farmer said.
Apart from the farmers and senior citizens, fishermen, persons with disabilities, and our Muslim brothers and sisters also benefitted from the said activity.
Vice President Sara Duterte conveyed her message to the Cebuanos.
“Ngayong araw, handog namin sa inyo ang munting regalo na tanda ng aming respeto at pagkilanlan sa inyo bilang mga katuwang, kaagapay, at kasangga sa pagbuo ng isang maunlad at inklusibong Pilipinas. Tandaan na ito ay hindi ayuda. Ang mga regalong ito ay bilang pagkilala sa pagsusumikap na ginagawa ninyo para matustusan ang mga pangangailangan ng inyong pamilya, pagsilbihan ang inyong mga komunidad, at maging responsable at produktibong mamamayan anuman ang mga sitwasyong kinakaharap,” (Today, we present you this modest gift as a token of our respect and appreciation for you as partners, allies, and supporters in building a developed and inclusive Philippines. Let it be clear that this is not aid. These gifts are a recognition of your efforts to provide for your families, serve your communities, and be responsible, productive citizens, despite the challenges you face,) VP Sara said.
The office also expressed gratitude to the local government of Cebu and everyone who contributed to the event’s success.
Libo-libong Pilipino ang nakatanggap ng mga gift packs na handog mula sa Office of the Vice President (OVP) bilang pagdiriwang ng ika-89 na anibersaryo nito noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Sa pangunguna ng OVP Cebu, Bohol, at Siquijor Satellite Office, umabot sa 2,000 na mga residente mula sa mga bayan ng Barili, Tuburan, at Toledo ang nabigyan ng gift packs na naglalaman ng 10 kilong bigas at mga de-lata. Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga senior citizen at mga magsasaka.
“Dako kaayo ning tabang sa amoa bantog nagpasalamat gyud ko sa Vice President. ‘Di na mi manginahanglan na mag-grocery sa isa ka semana kay daghan og sulod.” (Malaking tulong talaga ito sa amin kaya lubos akong nagpapasalamat sa Pangalawang Pangulo. Hindi na namin kailangang mamili ng groceries sa isang linggo dahil sapat na ito para sa mga pagkain namin,) ani Sabiniano Lanojan, isa sa mga benepisyaryo.
Bukod sa mga magsasaka at senior citizens, kabilang din sa mga naging benepisyaryo ang mga mangingisda, mga taong may kapansanan, at ang ating mga kapatid na Muslim.
Nagbigay rin ng mensahe si Pangalawang Pangulo Sara Duterte para sa mga Cebuanos.
“Ngayong araw, handog namin sa inyo ang munting regalo na tanda ng aming respeto at pagkilala sa inyo bilang mga katuwang, kaagapay, at kasangga sa pagbuo ng isang maunlad at inklusibong Pilipinas. Tandaan na ito ay hindi ayuda. Ang mga regalong ito ay bilang pagkilala sa pagsusumikap na ginagawa ninyo para matustusan ang mga pangangailangan ng inyong pamilya, pagsilbihan ang inyong mga komunidad, at maging responsable at produktibong mamamayan anuman ang mga sitwasyong kinakaharap,” ani VP Sara.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang OVP sa lokal na pamahalaan ng Cebu at sa lahat ng tumulong para maging matagumpay ang nasabing programa.